Litratong Pinoy: Luma Na

October 9, 2008

Telepono siguro ang isa sa mga importanteng binigay sa atin ng teknolohiya. Ngunit ayaw na ayaw kong sumasagot nito. Text me but don’t call me. Bakit? Basta! It’s a personal preference.

Noong nagdaang weekend ay nagawi ako sa Robinson’s Malate. Mayroong parang toy exhibit sa lobby ng Midtown at isa ito sa mga nakita ko. Isang luma ngunit bagong telepono. Ayan naka-plastic pa sya. At kagaya ng ibang gamit na nakaplastic, muli ko naalala si Nova Villa sa isa sa mga lumang TV series kung saan lahat ng kanyang gamit, pati sofa, ay naka plastic. Haha!

Ito ang aking lahok sa Linggo ng Luma Na ng Litratong Pinoy.

Litratong Pinoy: Aking Kompyuter

October 2, 2008

Marahil ay ligtas sabihin na tayong mga LPers, bukod sa mahihilig magkuha ng larawan, ay mga taong malimit na online. Aminado ako sa aking sarili na hindi ako mapakali kapag may isang araw na hindi lumapat ang aking mga daliri sa keyboard ng computer. Minsan nga naiisip ko na kailangan ko ng magpa-rehab. Hehe.

Itinuturing kong isang malaking biyaya ang pagkakaroon ko nito. Ngunit huwag nating kalimutan na ito ay isa lamang sa mga biyaya ng ating nae-enjoy. Huwag sana nating malimutan ang marami pang iba.

Ito ang aking lahok sa Linggo ng Aking Kompyuter ng Litratong Pinoy.

Litratong Pinoy: Ginintuan

September 18, 2008

Pasensya na if medyo cliche pero I think this is the most appropriate entry for me for this day. Ilang ulit na nating narinig that time is gold and I hate to admit it pero in my life, I have unwisely spent such treasure. Kaya siguro minsan I find myself singing Johnny Hates Jazz’s Turn Back The Clock. Hahaha!

Anyways, may we all live life as if it is our last. Take all that you can without stepping on other people.

“Life is like the surf, so give yourself away like the sea.”

Ito ang aking lahok na larawan para sa Linggo ng Ginintuan ng Litratong Pinoy.

Litratong Pinoy: Ayaw Ko

August 28, 2008

Marahil lahat ng tao, kapag nalalagay sa kadiliman, ay unang inaasam ang makakita ng liwanag. Ayaw natin sa dilim dahil bukod sa ipinanakot ito sa atin noong tayo ay mga bata pa lamang, hindi natin nakikita ang kagandahan ng paligid sa gitna ng kadiliman.

Kung sa tingin mo na ikaw ay nasa kadiliman ngayon at wala kang mapagsabihan ng iyong mga problema, tumingin ka lamang sa itaas, hanapin Sya sa iyong puso, at tanggapin ang kapayapaang hatid ng katotohanang mahal ka Niya ng higit sa iyong akala.

Ito ang aking lahok sa Linggo ng Ayaw Ko ng Litratong Pinoy. Maligayang Huwebes sa inyo.

Litratong Pinoy: Liwaliw

August 14, 2008

We all need a walk in the park. Huwag naman masyadong seryosohin ang buhay and ma miss out ang mga mumunting pleasure in life. Take time mag-liwaliw kagaya ng ginawa ng mga Litratong Pinoy-ers last Saturday! It was nice meeting you all, guys.

Ito ang aking lahak para sa Linggo ng Liwaliw ng Litratong Pinoy!

Litratong Pinoy: Ako

August 7, 2008

I am not expressive and this is the reason why most of the people who knows me thinks that I’m emotionless. Ngunit may isa sa kanila na nagsabi na kung titignan lang daw ako sa aking mga mata ay mapapatunayan nila na hindi iyon totoo.

Mahirap talaga magsinungaling ang ating mata. Marahil iyon ang dahilan kung bakit sinasabi ng iba na ito daw ay ang bintana sa ating kaluluwa. The eyes not only see, it also shows.

Ito ang aking lahok para sa Linggo ng Ako ng Litratong Pinoy. Maligayang Huwebes sa inyo at kita tayo sa mata sa Sabado. :D

Litratong Pinoy: Dalampasigan

July 31, 2008

Isa ito sa mga espesyal na larawan para sa akin. Marahil dahil nung panahon na kinunan ko ito ay malimit kong maramdaman na ang buhay ko ay parang patangay lang sa agos. Ito ay maaaring masama o mabuti. Depende na sa pang-unawa ng taong makaririnig nito.

“Life is like the surf,
so give yourself away like the sea.”

Ito ang aking lahok na larawan sa Linggo ng Dalampasigan ng Litratong Pinoy na kinuhanan sa dalampasigan ng Coco Beach sa Puerto Galera noong taong 2006.

Litratong Pinoy: Sa Gawing Kanluran

July 24, 2008

Maaaring ang paglubog ng araw ay maging hudyat ng katapusan. Ngunit hindi ba at nakakatuwang ang pagtatapos na ito ay puno ng kagandahan. Minsan sa ating buhay, may mga bagay na kailangang bigyang tuldok upang makapag simula ng bagong umaga.

Ito ang aking lahok para sa Linggo ng Sa Gawing Kanluran ng Litratong Pinoy.

Litratong Pinoy: Luntian

July 17, 2008

Minsan ang buhay di mo alam kung anong gagawin mo. Nakakatakot suungin ang mga bagay na bago lamang sa iyo. Hindi naman ibig sabihin noon na masaya ka sa kasalukuyang kinalalagyan mo. Mahirap din magpalutang lutang na lamang at magpa-agos… Saan ka ba talaga magiging masaya?

Eto ang aking lahok para sa Linggo ng Luntian ng Litratong Pinoy.

Litratong Pinoy: Tatak Pinoy

July 4, 2008

Ito ay cotton buds para sa bingi-bingihang gobyerno na isa nang tatak Pinoy. Joke!

Naging mapanghamon sa akin ang tema para sa linggong ito. Sa dami ng produkto na gawa sa Tsina na nakapalibot sa atin, swerte mo nang makakita ng may tatak “Made In The Philippines”.

Although I believe na inviting foreign investors is good for the country, naniniwala ako na dapat pa din na palakasin ang local industry ng Pilipinas. Mawala man ang mamumuhunan pagdating ang panahon, tatakbo pa din ang ekonomiya.

Eto ang aking lahok para sa Linggo ng Tatak Pinoy ng Litratong Pinoy.

Next Page »