Hindi ako sang-ayon sa ConAss. Bakit?
1. Ayokong ipagkatiwala ang pagbabago ng saligang batas sa mga kongresistang hindi napupulsuhan ang kagustuhan ng bayan. Ang simpleng pagpupumilit nila na isulong ang HR1109 sa kabila ng katotohanan na karamihan sa mga Pilipino ay hindi sang-ayon dito ay simpleng patunay na ang ating mga kinatawan “fails to represent”.
2. Ang pagpupumilit at pagmamadali na ito ay maisulong ay lubhang kaduda duda. Sabihin man nila na hindi kasama sa mga sususugan ang pagpapalawig ng termino, may bahagi ng aking pagkatao na hindi naniniwala dito. Sa ganang akin, kung malinis ang inyong intensyon, pag-usapin natin ito pagkatapos ng eleksyon.
Bukas ang aking isipan sa pagsususog sa saligang batas. Ngunit, hindi ngayon at hindi ng mga kasalukuyang nakaupo sa kongreso.

Ricky Carandang shares the list of congressmen who approved the ConAss.