Litratong Pinoy: Lila

Nang namasyal ako sa Ilokos ilang taon na ang nakararaan, dalawang pagkain lamang ang tumatak sa aking isipan: Vigan empanada at ang royal bibingka.
Sa sobrang kasikatan ng Marsha’s Royal Bibingka ay wala na kaming mabili nito noong kami ay pauwi na. Sold out! Although we managed to have one the day before, gusto ko sanang makapag-uwi nito bilang pasalubong. Mabuti na lamang at lingid sa kaalaman ng nakararaming turista, mayroon kang mabibilhan nito sa palengke ng Candon. Mas mahal nga lamang ng kaunti since pinatungan na ito ng mga tindera.
Ang kahon ng Marsha’s ay pangkaraniwang kulay pula ngunit lila ang ginagamit nila sa panahon ng kapaskuhan. Ito ang aking lahok sa Linggo ng Lila ng Litratong Pinoy.

WOOOOOO…let’s go to ilowcows pag uwi mo thess!!! yey sama si lalabs
Reply
Sana makapunta rin ako ng Vigan para matikman ko yan
Reply