Litratong Pinoy: Luma Na
October 9, 2008 · Print This Article

Telepono siguro ang isa sa mga importanteng binigay sa atin ng teknolohiya. Ngunit ayaw na ayaw kong sumasagot nito. Text me but don’t call me. Bakit? Basta! It’s a personal preference.
Noong nagdaang weekend ay nagawi ako sa Robinson’s Malate. Mayroong parang toy exhibit sa lobby ng Midtown at isa ito sa mga nakita ko. Isang luma ngunit bagong telepono. Ayan naka-plastic pa sya. At kagaya ng ibang gamit na nakaplastic, muli ko naalala si Nova Villa sa isa sa mga lumang TV series kung saan lahat ng kanyang gamit, pati sofa, ay naka plastic. Haha!
Ito ang aking lahok sa Linggo ng Luma Na ng Litratong Pinoy.







ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA!!!
bwahahaha…anong pangalan nung exhibit sa robs midtown? naa-alala mo ba? (curious lang ako)
luma na nga ang style nitong telepono na ito, pero gusto ko pa rin sha lalo’t pula:)
Eto ang lumang bago - hehehe!
Buti na lang nauso na ang pushbutton na telepono at redial button…
Hello, party line… nandyan ka pa ba?
ay oo, “abangan….” nga yun, ayaw ma luma kaya naka plastic
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista

Salamat sa pagbisita
Ang naalala ko naman yung mga red phone na meron daw sa White House. Totoo kaya yun?
Magandang Hwebes!
ang saya naman nito..pulang-pula….di kagaya nung mga telepono dati na kulay itim lang..conservative..
luma na nga ang mga ganyang phone,pero siguro sa mga probinsya may mga gumagamit pa.
Tawagan kaya kita sa cellphone mo mamaya… Heheheh, joke lang. =) Ang ganda ng teleponong ito ah? Pulang-pula… gusto ko sana ang ganitong telepono, kasi analog ito di ba?
Ang aking lahok ay naka-post na dito. Dumalaw na rin ako para sa kapatid ko, ang kanyang lahok ay naka-post dito. Sana makadaan ka. Happy LP!
*** ShutterHappyJenn ***
Hahaha! Ako rin hindi ako mahilig makipag-usap sa telepono. Mas gusto ko ang text. Non-confrontational daw? Hehe.
naabutan mo pa ba yung dating tatlong 10-centavo coins ang kailangan sa red pay phone na parang ganyan?
yan ang ninuno ng mga makabagong cellphones ngayon
Aba, red na telepono, nalala ko ytuloy yugn luma naming ganyan na itm, ang bigat at hirap idial hahaha.
Happy LP eto akin:
http://jennys-corner.com/2008/10/lp-luma-na-already-old.html
http://jennysaidso.com/2008/10/lp-luma-na-already-old.html
napakagandang telepono… dito naman ay usong-uso ang ring ng lumang telepono sa mga cellphone ng matatanda
Naku, naalala ko pa yung ganyang telepono… kaso itim… yung pula kasi kailangan hulugan pa ng tatlong bente singko eh.
Astig, at binalot pa!
di ka pala pwedeng ka-phone pal..text mate.:D parang ang hirap yata gamitin ang teleponong naka plastic. hehe
ay type ko yan…gusto ko bumili nyan, pero yung parang brass siguro ang dating
ay, type ko iyang kulay ng telepono. ano nga bang palabas sa TV noon ni Nova? Chicks to chicks ba iyon? heheheeh!
Naalala ko yung pay phone na red na hinuhulugan ng tatlong 25 cents.
At yung palabas ni Nova Villa…Abangan ang Susunod na Kabanata yata yun?
haha natawa ako dun sa nakaplastic na gamit ni nova ha!!! gusto ko din un series un! ang cute ng phone… baket pala nde ka pwedeng tawagan? eheheh
hindi siya mukhang luma.
eto ang aking lahok. salamat.
woah! classic na yan! =)
wow retro! ahahaha. parang naririnig ko pa siyang mag-ring, yung old style na parang bell talaga. hahaha.
naalala ko tuloy yung luma naming teleponong ganiyan, na sobrang bigat
my iPhone’s ringtone is “old phone”. New vintage. I prefer sms kase na-aalala ko yung ka phonepal ko nun na panget.