Litratong Pinoy: Aking Kompyuter

Marahil ay ligtas sabihin na tayong mga LPers, bukod sa mahihilig magkuha ng larawan, ay mga taong malimit na online. Aminado ako sa aking sarili na hindi ako mapakali kapag may isang araw na hindi lumapat ang aking mga daliri sa keyboard ng computer. Minsan nga naiisip ko na kailangan ko ng magpa-rehab. Hehe.
Itinuturing kong isang malaking biyaya ang pagkakaroon ko nito. Ngunit huwag nating kalimutan na ito ay isa lamang sa mga biyaya ng ating nae-enjoy. Huwag sana nating malimutan ang marami pang iba.
Ito ang aking lahok sa Linggo ng Aking Kompyuter ng Litratong Pinoy.

Ronnie, ang galing naman ng naisip mo… hindi ko akalaing on/off switch pala yon… akala ko ay screensaver mo yon. nice one.
Reply
Galing naman ng ideya mo – napaka”creative”!
Reply
tama ka malimit mag-online…ako din kelangan magpa rehab
Reply
agree ako!
magandang araw sa’yo!
http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/10/lp-27-ang-aking-kompyuter.html
Reply
wow ang ganda =)
Reply