Litratong Pinoy: Ayaw Ko
August 28, 2008 · Filed Under All Entries, Click Flick, General

Marahil lahat ng tao, kapag nalalagay sa kadiliman, ay unang inaasam ang makakita ng liwanag. Ayaw natin sa dilim dahil bukod sa ipinanakot ito sa atin noong tayo ay mga bata pa lamang, hindi natin nakikita ang kagandahan ng paligid sa gitna ng kadiliman.
Kung sa tingin mo na ikaw ay nasa kadiliman ngayon at wala kang mapagsabihan ng iyong mga problema, tumingin ka lamang sa itaas, hanapin Sya sa iyong puso, at tanggapin ang kapayapaang hatid ng katotohanang mahal ka Niya ng higit sa iyong akala.
Ito ang aking lahok sa Linggo ng Ayaw Ko ng Litratong Pinoy. Maligayang Huwebes sa inyo.

ShutterHappyJenn on Thu, 28th Aug 2008 9:41 AM
Ay, korek ka diyan! Pero sana, kahit sa mga panahong masaya, makuha pa rin nating kausapin ang Diyos. Madalas kasi kung kelan lang tayo malungkot at nasa pagsubok saka lang tayo lumalapit sa Kanya.
Naka-post na rin ang lahok ko para sa linggong ito. =)
ShutterHappyJenn
Reply
Mayet on Thu, 28th Aug 2008 2:50 PM
ganda naman ng iyong sinulat! pero totoo na kailangang laging hanapin Sya–sabihin ang nasa kalooban at magpasalamat, kahit sa ano mang circumstances.
Reply
Jay on Thu, 28th Aug 2008 3:30 PM
nice shot
ako din ayaw kong masadlak sa ganyangh kadiliman
magandang huwebes, eto po ang sa akin:
http://agent112778.blogspot.com/2008/08/lp22-ayaw-ko-reject.html
Reply
julie on Thu, 28th Aug 2008 4:01 PM
Agree ako kay Jenn, kung minsan, sabihin na nating madalas, nakaka-alala ang mga tao sa Diyos sa kanilang kadiliman at nakakalimotnaman kapag may kaginhawaan.
Reply
komski kuno on Thu, 28th Aug 2008 4:10 PM
Meron ngang mga pagkakataon na gusto ko ng kadiliman *grin* hehehehe.
Reply
Reflexes on Thu, 28th Aug 2008 4:48 PM
kay ganda ng iyong ibinahagi.
Reply
jennyL on Thu, 28th Aug 2008 7:00 PM
aww makabagbag damdamin naman itong entry mo kaka touch ah
Reply
yvelle on Thu, 28th Aug 2008 9:28 PM
tama ka. maganda ang iyong akda. maligayang huwebes!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/08/lp-22-ayaw-ko.html
Reply
dang on Fri, 29th Aug 2008 12:50 AM
amen!
Reply
celiaK on Fri, 29th Aug 2008 7:16 AM
I like your entry. Very thought provoking.
Happy Thursday!
Reply
den on Fri, 29th Aug 2008 10:38 AM
alam mo sabi ng lola ko nong bata pa ako, kasi takot ako sa dilim non kahit naman ngayon eh, sabi nya, pag ako daw ay umibig na siguradong matapang na ako kahit sa kalagitnaan ng dilim lalo na daw pag ang dadalawin ay magandang binibini na mapupusuan ko hehehe!!!
di na ako nakasali sa LP..minsan kasi walng connection ang internet dito sa amin!
Galing ng entry mo, inspiring!
Reply
lino on Fri, 29th Aug 2008 1:05 PM
nice… ano bang silhouette yan…? pasensya na at nahuli, TGIF na…
Reply
Ely on Sat, 30th Aug 2008 6:09 AM
ako gusto ko madilim na madilim…
pag natutulog. hehehe
Reply
Ely on Sat, 30th Aug 2008 6:10 AM
hmmm… looks like a bamboo lampshade?
Reply
toni on Sat, 30th Aug 2008 2:47 PM
Napakagandang lahok para panimulan ang pagmuni-muni ngayong hapon. Maligayang LP!
Reply
eloise/lucci on Sun, 31st Aug 2008 12:01 AM
True…true…sana regular tayong tumawag sa KANYA. Malaki ang maitutulong nito sa ating disposisyon sa buhay. At sa mga pagkakataong aakalain nating tayo’y nasa “dilim” …SIYA ang ating ILAW…
Sorry late na ako sa pagdalaw…wala akong internet noong nakaraang araw.
may blog na ulet ako!
Reply
K on Sun, 31st Aug 2008 4:10 AM
For some reason, I actually like this photo.
Reply
kathycot on Mon, 1st Sep 2008 9:15 AM
ayoko din ng kadiliman… ;(
http://whenmomspeaks.com/2008/08/lp-ayaw/
Reply
iris on Mon, 1st Sep 2008 10:31 AM
nice photo ronnie.
Reply
iRonnie on Thu, 4th Sep 2008 10:32 AM
TO ALL,
naku natambakan na ako. huhu. thanks for the visit guys! gusto ko lang ng kadiliman kapag matutulog na ako. in fact i turn off the lights with matching eye mask pa. lolz generally speaking, mas gusto ko talaga ang medyo dim kesa sa well-lit place. hindi po ako vampire. hahaha!
Reply