Litratong Pinoy: Dalampasigan
July 31, 2008 · Filed Under All Entries, Click Flick

Isa ito sa mga espesyal na larawan para sa akin. Marahil dahil nung panahon na kinunan ko ito ay malimit kong maramdaman na ang buhay ko ay parang patangay lang sa agos. Ito ay maaaring masama o mabuti. Depende na sa pang-unawa ng taong makaririnig nito.
“Life is like the surf,
so give yourself away like the sea.”
Ito ang aking lahok na larawan sa Linggo ng Dalampasigan ng Litratong Pinoy na kinuhanan sa dalampasigan ng Coco Beach sa Puerto Galera noong taong 2006.

Girlie on Thu, 31st Jul 2008 12:58 AM
Alam mo sa unang tingin parang aerial shot, ang galing.
Reply
Dr Emer on Thu, 31st Jul 2008 2:02 AM
Kay pino ng buhangin and great contrast! Happy LP!
Reply
spiCes on Thu, 31st Jul 2008 2:45 AM
metaphoric! ang husay ng lahok mo!
Reply
ibyang on Thu, 31st Jul 2008 6:16 AM
ang ganda ng litrato mo
feel na feel ko ang message
http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
Reply
Linnor on Thu, 31st Jul 2008 7:04 AM
nakaka-intriga yung shot. papalapit ba ang tubig-dagat na iyan sa crab o palayo na?
Reply
ShutterHappyJenn on Thu, 31st Jul 2008 7:06 AM
Siguro lahat tayo ay may ganyang pakiramdam. May mga panahong ganyan din ako. Seaweed ba yan?
Naka-post na rin ang aking LP DITO.
Magandang Huwebes!
Reply
betchay on Thu, 31st Jul 2008 8:03 AM
talangka ba yan? sensya na mahina ako sa hayop…
pero naiintindihan ko ang nais mong ipahiwatig… ganyan talaga ang life…
Reply
lidie on Thu, 31st Jul 2008 8:21 AM
ang ganda naman! nagpunta na rin ako ng coco beach pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataong maka-kuha ng ganyang shot!
magandang huwebes sa’yo!
Reply
julie on Thu, 31st Jul 2008 9:20 AM
Ang ganda ng foam gawa ng alon. Ang agos ng tubig ay isa sa mga masarap pakinggan lalo na kung ito nasa tahimik na dalampasigan.
Reply
lino on Thu, 31st Jul 2008 10:34 AM
muntik ko ng isama yung ganyang shot ko, hehehe.. nice capture… happy huwebes…
Reply
komski kuno on Thu, 31st Jul 2008 11:47 AM
Malungkot ‘pag ganyan ang nararamdaman, yun tipong wala ka nang magawa kundi umayon sa agos, kahit anung laban ang gawin mo, natatangay ka pa rin. Hmmm, depende naman kung saan ka nagpapatangay:)
Reply
K on Thu, 31st Jul 2008 1:18 PM
Neat. It can be used as a wallpaper.
You could have ‘put your own footprints’ there…. (and the music starts, ‘footprints in the sand….’).
Reply
anj on Thu, 31st Jul 2008 1:26 PM
nice. nakikisabay nga lang tayo sa agos ng buhay tulad ng damong dagat.
Reply
arlene on Thu, 31st Jul 2008 1:58 PM
what a very fine sand of a beach. love the picture and the thought with it.
Reply
iska on Thu, 31st Jul 2008 3:18 PM
minsan din naramdaman ko na ang ganyang pakiramdam…
nice shot!
Reply
kathycot on Thu, 31st Jul 2008 3:24 PM
ang cute!
eto naman ang akin:
http://whenmomspeaks.com/2008/07/lp-dalampasigan/
http://www.walkonred.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
http://www.kathycot.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
http://www.buhaymisis.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
Reply
Marites on Thu, 31st Jul 2008 8:13 PM
nakaramdam din ako niyan, kabagu-bago lang. Inis ako sa sarili at minsan, naawa. Baliw ano? Pero, ganyan talaga ang buhay..gawin lang ang dapat gawin at ipagdasal sa Diyos na tama nga ang ginagawa. Magandang LP sa iyo!
Reply
Pinay MegaMom on Thu, 31st Jul 2008 8:39 PM
Excellent composition! I can feel the fleeting moment that was captured in this photo. Talagang mabigat.
Happy Hwebes!
Reply
Meeya on Thu, 31st Jul 2008 8:50 PM
ang ganda naman ng picture.
totoo friend, ika nga nila we just have to go with the flow.
LP Dalampasigan sa MyMemes
LP Dalampasigan sa MyFinds
Reply
alpha on Thu, 31st Jul 2008 10:19 PM
ang ganda ng piktyur. hapi lp.
Reply
Ferdz on Thu, 31st Jul 2008 10:45 PM
katuwa rin tong shot mo ronnie. It’s simple but holds a lot of meaning.
Reply
Something Purple on Fri, 1st Aug 2008 3:54 AM
ang linaw ng kuha! pro na pro!
happy LP!
andito mga lahok ko.
http://www.stripeatyellow.com
http://www.elegancefoodandwine.com
Reply
Cookie on Fri, 1st Aug 2008 10:27 AM
ang ganda ng kuha. perfect timing
cookie
http://scroochchronicles.com/
Reply
Dyes on Fri, 1st Aug 2008 2:55 PM
ang galing ng kuha mo! masyado akong na-attract sa mga bula. gusto ko tuloy mag-beer! hehehe
happy weekend!
Reply
iris on Fri, 1st Aug 2008 4:12 PM
nice perspective, ronnie
Reply
kd on Wed, 6th Aug 2008 4:25 PM
ang ganda ng iyong pagkakakuha, gusto ko ang drama
Reply