Hundredth

October 30, 2006 · Filed Under All Entries 

Since malapit na ang All Saints’ Day at naglipana na naman ang mga horror stories sa telebisyon, makikiuso na din ako.

* pretend that come what may by air supply is playing in the background.
eto lyrics kung di nyo alam. *


When I was still a kid, ewan ko ba kung bakit nauso yung mga “true” aswang stories noon. One particular story na naaalala ko was the one told by my tita. Actually sa mama ko nya ito kinuwento pero I was there habang sinasabi nya. May kumakalat daw na tsismis na may isang lalaking kumain ng lugaw na may sahog na atay sa isang karinderya. Now this man daw ay napabalitang naging isang aswang dahil atay daw pala ng tao ang sinahog sa lugaw nya. After daw kasi nitong maubos yung lugaw ay nagturn ito sa isang itim na aso.

My tita was giving precautions sa mother ko na dapat mag-ingat sa pagkain at pagbili ng mga lamang loob dahil baka daw sa tao yun. Nagpaparami daw kasi ng lahi ang mga aswang at iyon ang ginagamit nilang modus operandi. Malalaman daw kung lamang-loob yun ng tao kapag gumalaw ito after patakan ng kalamansi, particularly ang atay.

I was so scared then na halos paranoid na ako minsan. Duon siguro nagsimula kaya ayaw na ayaw kong kumain ng atay. Siguro I was just 6 years old then. Anong kinalaman ng come what may ng Air Supply dito? Ito kasi ang tumutugtog sa radyo habang kinukwento yun ng tita ko. Kaya everytime na naririnig ko yung kantang yun e naaalala ko yung time na yun and it always gives me a chill.

Anyway ingat sa lahat ng uuwi sa kani-kanilang probinsya. Be safe lalo na at may bagyo ngayon. This is my 100th entry and salamat sa inyong pagsubaybay.

Comments

No Comments on "Hundredth"

  1. garytarugo on Mon, 30th Oct 2006 10:45 AM 

    congrats sa yong 100th entry! :)

    Reply

  2. cheH on Mon, 30th Oct 2006 9:56 PM 

    hahaha ymir,wag kang mag alala hindi ka nagiisa´Alam mo bang lahat ata naging kaibigan kong lalake at isama mo na rin itong alimango nasa tabi ko,hehe ayaw kumain ng atay.Dalawa sa babae kong kaibigan yaw din nila.Madalas nga ako nagtatanong bakeet ayaw nyo?

    sarap sarap nga eh, lalo na pritong atay ng manok nammmm

    sa post na ito,medyo naliwanagan ako,lol

    Reply

  3. gbert on Tue, 31st Oct 2006 6:31 AM 

    congrats… ako malayo pa ang lalakbayin para umabot sa 100…

    ako naman, gustong gusto ko yung pansit na may atay ng manok…mas malinamnam… :)

    Reply

  4. jeprocks on Tue, 31st Oct 2006 10:11 AM 

    wala bang dinuguan?

    Reply

  5. Ymir on Tue, 31st Oct 2006 10:43 AM 

    gary:
    salamat gary. sana lumagpas sa 100 ang mga nakakatawa mong post. pero sana lagi kang magsho-shorts.

    cheh:
    ngayon naman kumakain na ako ng atay. ive outgrown it na. hehe.

    gbert:
    masarap nga yan. gusto din yung adobong may halong atay. yum yum.

    jeprocks:
    hmm.. actually di pa lugaw ang kinain noong biktima. dinuguan nga pala. kaya pala matagal din akong hindi kumain ng dinuguan.

    Reply

  6. jef on Wed, 1st Nov 2006 4:11 AM 

    Whaaaat! Gumagalaw ang atay pag nilagyan ng kalamansi hahah.

    Have a great holiday, bro!

    Reply

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!