Tinola
October 4, 2006 · Filed Under All Entries
Oo nagpalit uli ako ng balat. May nakapuna na sa akin dati na ang bilis ko daw mag-iba ng skin. Ewan ko nga ba may pagka-OC yata ako. Nang pinost ko kasi yung huling entry ko e parang naguluhan ako sa itsura ng blog ko. Napasukan yata ng hangin ang utak ko dahil sa nagdaang bagyo.
Plano kong isulat sana ang tungkol sa reason #3 na nabanggit ko sa previous entry ko. Kaso lang hindi pa tapos ang pakikipagsapalaran ko. Siguro sa weekend na lang pag-settled na ang lahat.
Tanghalian na ngayon at kumakain ako ng ulam na hindi ko alam kung ano ang tawag. May sahog siyang papaya so malamang tinola ito. Tinolang fish fillet yata. Ah ewan. Malimit naman akong ganito, hindi makatanda ng pangalan ng pagkain. Ang malimit kong natatandaan ay iyong mga ayaw ko gaya ng kare-kare at bopis.
Tinext ako ni Weedgurl kahapon. Binalita niyang pumanaw na daw iyong isang kasama naming trainee. Nakakalungkot at nakakagulat. Sabi na-ospital daw yun dahil sa seizure. Tapos ngayon wala na siya. Ganyan yata talaga ang buhay, una-una lang.
Pupunta ako ng Makati mamaya dahil may inaasikaso akong mga papeles. Nagyaya si Jeffrey pumunta sa Yuchengco Museum pagkatapos kong maglakad ng papel dahil may Chinese arts exhibit daw. Pag may bayad e di uwi na kami.
Ay teka hindi pala fish fillet to. Pork pala. Iyong next kasing nakuhang piraso ay may buto. Dammit mali na naman ako.

leah on Wed, 4th Oct 2006 6:23 AM
ymir. =) nakakatuwa naman. kasi ngayon, nababasa ko na din ung konting portion ng thoughts mo. dti kc pictures lang. =)
ayoko din ng kare kare.
Reply
ate pango on Wed, 4th Oct 2006 9:11 AM
nak ng teteng! hindi mo alam difference ng pork at fish?
have fun with jeff! miss u guys ^-^
Reply
gbert on Wed, 4th Oct 2006 6:20 PM
mas gusto ko ngayon yung layout mo, maybe because of the verdana font… trip ko kasi lagi verdana… at natawa ako dun sa comment ni ate pango sayo… nyahaha
i always spend a good minute
knowing what i eat whether if it’s pork or not… if it’s not, i’m safe… if it is, then skip that viand…
Reply
Ymir on Thu, 5th Oct 2006 12:18 AM
leah:
i still have my photoblog though…
http://www.ymirski.blogspot.com
ate pango:
dati nalilito lang ako sa beef and pork ngayon pati sa fish na. waaa!
di kami natuloy may entrance fee e. hehe. uwi ka na kasi. ^_-
gbert:
mas gusto ko din to. maybe because it’s mush simpler. i like verdana too. hehe.
Reply
LoN on Thu, 5th Oct 2006 5:26 PM
fish.. pork.. tas me papaya.. masarap?
Reply
jef on Fri, 6th Oct 2006 5:55 AM
Ymir, pare ko, mukhang maganda ang giding mo ha at hindi gaanong ‘deep’ ang thoughts natin ngayon.
Siguro, hangin nga yan hehe.
Reply
jef on Fri, 6th Oct 2006 5:59 AM
by the way ‘I mean GISING not giding’ hehe
Reply
melai on Fri, 6th Oct 2006 6:32 AM
so OC pala ako dahil sa madlas akong magpalit ng template lol!! ei salamat sa verse
binasa ko matapos kong mabasa comment mo:)
Reply
Ymir on Fri, 6th Oct 2006 7:47 AM
lon:
try mo. you sak!
jef:
haha. wala kasi akong maisip e kaya kung anu-ano na lang.
melai:
i hope the verse helps.
Reply