Ambilis ng Panahon

September 2, 2006 · Print This Article

Welcome to the BER-months!

Ambilis talaga ng panahon. Ilang tulog na lang at makakarinig na naman tayong muli ng mga awiting pampasko. Magiging abala na naman tayo sa pamimili ng mga regalo para sa mga taong mahahalaga sa atin. Ang iba ay mamumroblema dahil panahon na naman ng gastusan. Sa ilang taon kong pagtatrabaho ay napatunayan kong ang kapaskuhan ang panahon na ang isang empleyado ay nakatatanggap ng malalaking halaga, ngunit ito din ang panahon na gumagastos ka ng malakihan. Ika nga, bawi lang.

Pero okay lang. Hindi lang naman pera ang nakakapagpasaya sa akin. Masaya akong nagbabalot ng mga regalong ibibigay ko sa aking mga inaanak at masayang nag-iisip ng ireregalo sa aking pamilya. Ilang tulog na lang, pasko na naman.

Ambilis talaga ng panahon. Kahapon ay nagtapos na ang unang bahagi ng training namin. Ipinagpapasalamat ko at napabilang ako sa klaseng iyon. Kakaiba ang bonding na nabuo sa amin. Nagkaroon pa nga kami ng pizza party noong tanghali at nagkayayaan pa na lumabas noong uwian. Sa isang linggo ay mahihiwalay na sa amin ang ilan sa aming mga nakasama. Maaring magkita pa kaming muli at maari din namang hindi na. Salamat sa isang masaya at makabuluhang pagsasama.

 

eNews & Updates

Sign up to receive breaking news as well as receive other site updates!

Comments

8 Responses to “Ambilis ng Panahon”

  1. jeprocks on September 2nd, 2006 7:32 am

    ganyan talaga… parting is such sweet sorrow… sabi nga ni shakespear

  2. gbert on September 2nd, 2006 1:10 pm

    merry christmas!! nyahaha everybody’s looking forward to it lalo na ko… masaya pag pasko, andaming racket… hahaha

  3. Jinjiruks on September 2nd, 2006 1:24 pm

    kelan kaya ako makakatanggap ng regalo mula kay ymir?

  4. Ymir on September 2nd, 2006 2:10 pm

    jeprocks:
    indeed it is.

    gbert:
    racketeer ka pala ha. hehehe.

    jinjiruks:
    asa pa! /gg

  5. pauL on September 3rd, 2006 6:45 am

    syempre pag ‘ber’ na malapit na din ako magbirthday… hehehe…

    ikaw ay aking hinahangaan dahil natapos mo din sa wakas ang iyong pagsasanay… naway kayong mga magkakaklase ay maging magkakaibigan kahit madalang na lang kayong magkita…

    Naway ikay pagpalain ng Maykapal (in short, God bless you! *lol makata ba?)

  6. jef on September 3rd, 2006 8:41 am

    You know what, on the eve of Sept. 1, my friend and I played traditional Christmas songs on his radio. It was fun and whoever say that being a christmassy person is so jologs can just jump in the lake with me not batting an eye hahaha.

    Pasko na YEY!

  7. Ymir on September 3rd, 2006 4:07 pm

    paul:
    salamat ng madami sa iyong pagkomento. ilibre mo naman ako sa birthday mo. :p

    jef:
    kami naman last sat morning nakinig ng christmas songs sa internet radio. hehehe.

  8. cheH on September 4th, 2006 7:22 pm

    kung ganun ymir,pede na akong humingi ng pamasko sa iyo ngayon pa lang?hehe

    mas eksayted ata tayo mga pinoy compara sa ibang lahi.Dito naman ma feel mo pasko pag tungtong ng Desyembre, dahil sa X-mas Market,naiiba rin ang kultura nila!Ala pa ring katulad ang pasko natin mga pinoy!ay sana,maliligaya ang ating mga pasko:)

Got something to say?