So, Ano Na?

July 24, 2006 · Print This Article

Sa gitna ng malakas at pabugso-bugsong ulan noong nakaraang linggo ay hindi naiwasan ng drayber ng taxi na sinasakyan ko na mapakwento.

D: Oh my God what is wrong with the weather!
M: May bagyo ho yata e.
D: Yes there is and its name is Gloria.
M: Hehe.
D: Tomorrow there will be more trouble.
M: Ay may SONA nga ho pala bukas no?
D: Ewan ko nga ba bakit may SONA pa.
E wala namang dapat sabihin dahil wala
namang nagbago (naubusan na yata ng ingles).

Noong mga nagdaang taon ay masigasig kong inaantay at pinapakinggan ang SONA ng pangulo. Ngunit kahapon ay minabuti kong huwag magbukas ng telebisyon o kahit man lang ng radyo. Ayoko na munang makinig dahil sigurado akong sa kabila ng mga bagong salitang bibigkasin ay ganoon uli ang mensahe.

  • Mas gumanda ang katayuan ng ekonomiya kung ihahambing noong nagdaang taon.
  • Iisa-isahin ang mga proyektong sinimulan na hindi ko alam kung kailan matatapos.
  • Pasasaringan ang mga kumakalaban sa gobyerno.
  • Sasabihin na kailangan ng konstitusyunal na pagbabago.
  • Ilalahad ang mga bagong plano para sa bansa.
  • Mangangako ng mas magandang kinabukasan.
  • Hihingi ng tulong at kooperasyon ng mga mamamayan.
  • Magpapalakpakan ang mga ka-alyado at mga balimbing.
  • Mamumuna o magbo-boycott ang mga kalaban.

Mas pinili kong hindi na makinig dahil alam kong hindi ko makikita ang tunay na lagay ng bansa mula sa pangulo. Alam kong malabong mangyari pero hahangaan ko ang pangulong magsasabi ng mga kapangitan sa kanyang administrasyon lalo na kung iyon talaga ang lagay ng bansa sa ilalim ng kanyang pamumuno. Pagkilala at hindi pagtalikod ang unang hakbang sa kalunasan.

 

eNews & Updates

Sign up to receive breaking news as well as receive other site updates!

Comments

4 Responses to “So, Ano Na?”

  1. j on July 24th, 2006 8:45 pm

    SONA? anu yun? he he hindi kona inaabangan yan, sayang time ko :(

  2. Jinjiruks on July 24th, 2006 9:05 pm

    hehe.. try my SANA (state of the ailing nation address)

  3. Ymir on July 25th, 2006 6:12 am

    jairam:
    yan din naramdaman ko e. hehe.

    jinjiruks:
    ayos nga yang SANA e. puro tayo sana… hahaha.

  4. cheH on July 25th, 2006 10:04 am

    haha ayos yung driver at least,hindi pa rin tayo nauubusan ng nagpapatawa este nakakatawa pala na kababayan maski ganire ang sitwasyones ng ating abang bansa haay!kulamin ang namumuno!!! ganun eh!hehe

Got something to say?