A First Step In The Waters
June 6, 2006 · Print This Article
I really don’t enjoy going to outings kapag swimming. Hindi kasi ako marunong lumangoy kaya malimit naiiwan lang ako sa cottage. Good thing though na lagi kaming may kasama na hindi rin trip lumangoy. Minsan naman batch by batch ang nakakasama ko. Kapag lalangoy na ang tropa A tyempo naman na magpapahinga ang tropa B. Yup, boring talaga. Kaya I’d rather not go kapag swimming ang outing.
There is a couple of reasons kung bakit hindi ko nagawang mag-aral lumangoy. Primarily I think I have developed a phobia. Malimit kasi akong magkasakit noong bata pa ako. Nagkaroon ako ng sipon at may kasabihan, hindi ko sure if may clinical basis, na nakakatulong daw ang tubig dagat para madaling mawala ang sipon. Since Cavite is a coastal city, dinala ako ng tatay ko sa dagat malapit sa amin. Kahit na karga ako ng tatay ko ay takot na takot ako noon. Lumulubog siya sa dagat kasama ako at dahil may sipon nga ako, naging mas mahirap sa akin ang huminga plus the fact na unpleasant for a kid ang saltiness ng dagat. Yun ang first experience ko sa beach. Yes, it was traumatic.
I only experienced the joy of swimming last month ng pumunta kami sa buri. Since konti lang ang tao sa resort malimit nasosolo namin ang pool and with the help of a lifevest and a snorkel, I had my first swimming experience. Grabe ang sarap pala!
Future plan ko ang matuto na talagang lumangoy ng walang vest and snorkel. Medyo mahirap daw ako turuan sabi ng kaibigan ko kasi masyado daw akong kabado. Well at least I made the first step. Unti-unti lang, pasasaan ba and I will be able to totally conquer my fear.
OT: Today is 060606 and there is no fuss about it. Mukhang pagod na ang mga tao sa pagpatol sa date scare.

at least you’ve taken the initiative to test the water, literally he he…and bro, good job! have fun in your future swimming lessons, k?
hay naku, wala ng (masyado) pumapatol sa numero ni tanas
btw, charlie misses you, tito ron *lol*
you made your first move, just continue with your goal and we might end up dive buddies.
aral na ha at wag na matakot!
ate thess:
say hello to charlie. naaliw akong panoorin siya. hehe.
mmy lei:
nangangarap nga din akong mag scuba para makakuha ako ng clearer underwater photos.
Just moseying around the neighborhood and I came across your note on one of my post. Thanks by the way.
Nice posts…keep it up!
buti ka pa.. ako nag outing kami last month.. nasugatan lang binti ko sa kiddie pool.. (nakakahiya 20+ na ako.. nasa kiddie pool pa kami)
hehe buti nga wala masyadong tao doon sa resort na pinuntahan namin e. nahihiya din kasi akong kumawag kawag sa pool habang nagda dive yung mga bata. hehe.