First Day High
June 5, 2006 · Print This Article
Today is the first day of school at lahat ng problemang may kinalaman sa edukasyon ay maririnig nating pinagdidiskusyunan sa pahayagan, radyo at telebisyon. Kabilang na dito ang kakulangan ng silid-aralan, mga silid-aralan na hindi na ligtas na gamitin, kakulangan ng mga guro, mga gurong hindi bihasa sa paksang itinuturo, kakulangan sa aklat, at mga paaralang walang tubig at kuryente.
Nakakalungkot ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas. Sa kabila ng pahayag ng pangulo na lagi daw niyang binibigyan ng pagpapahalaga ang edukasyon, sa tingin ko ay kulang pa ang pagpapahalagang ibinibigay niya dito.
Sa ngayon ay madaming Pilipino ang mas pinipiling mangibang bansa upang magkaroon ng mas magandang ikabubuhay. Mapalad sila at nagkaroon sila ng maayos na edukasyon na naging puhunan nila upang mangibang bayan. Ngunit paano kaya ang mga susunod na henerasyon ng jobseekers? Sa kalidad ng edukasyon na natatanggap nila ngayon, maging sapat kaya ito upang maabot nila ang mga pangarap nila kung hindi man dito ay sa ibang bansa?
Huwag sana dumating ang araw na bukod sa paghahanap ng magandang trabaho ay kailanganin na din ng Pilipino ang mangibang bansa upang makakuha ng mabuting edukasyon.







Comments
Got something to say?