Subic Rape Case

April 27, 2006 · Print This Article

Sinugod ngayon ng League of Filipino Students ang tanggapan ng Department of Justice upang ipahayag ang kanilang pagkadismaya sa takbo ng kaso ng Subic rape case. Nagdala sila ng mga bulok na kamatis upang itapon sa opisina ni kalihim Gonzales ngunit dahil hindi nila nagawang makapasok sa bakuran ng tanggapan ay minabuti nilang ihilamos na lamang sa seal ng DOJ ang dala nilang kamatis. Pinaratangan nila ang kalihim na umaastang abogado ng mga akusadong sundalong Amerikano.

Aaminin kong may lungkot at inis akong nararamdaman sa tuwing naririnig ko ang mga pahayag ng naturang kalihim. Sang-ayon ako sa kanya na gawing principal accuse ang isa at ang iba ay gawing accessory to the crime na lang kung yun ang itinuturo ng ebidensya. Ang hiling ko lang naman ay maging sensitibo din siya sa nararamdaman ng biktima na sarili niyang kababayan at binaboy ng dayuhan. Huwag na sana siyang magbitiw ng mga komento na tila ba nililibak pa niya o pinagtatawanan ang kaso. Sa tingin ko ay hindi nararapat na sabihin niyang itinuloy ang kaso sa kabila ng mahinang ebidensya just to satisfy the mob. Hindi ko siya minamasama kung iyon talaga ang tingin niya. Sana lang ay hindi na niya ito sinambit sa media dahil kung ako man ay kapamilya ng biktima ay tiyak akong masasaktan lalo na at ito ay nanggaling sa kapwa Pilipino na isang kalihim pa ng gobyerno.

eNews & Updates

Sign up to receive breaking news as well as receive other site updates!

Comments

Got something to say?