The Da Vinci Code

April 12, 2006 · Filed Under All Entries 

Aaminin kong hinangaan ko si ginoong Dan Brown sa tapang niyang magsulat ng mga kontrobersiyal na librong may kinalaman sa relihiyon at politika. Una kong nabasa ang “Angels and Demons” at nasabi ko sa sarili kong mababatikos ang taong ito ng Simbahang Katolika. Nang mabasa ko ang “The Da Vinci Code” nasabi kong malilintikan ang taong ito sa buong ‘sang ka kristiyanuhan.

Sa kabila ng mga kontrobersiyal na paksang pinili niyang sulatin, hindi ko itatangging hinangaan ko ang kanyang mga gawa. Hinangaan ko kung paano niyang nagawang ihabi ang ganoong klaseng plot ng istorya sa mga factual na bagay. The concept may not be originally his. There may already be an existing idea and debate going on among the scholars and he may just built his idea on them, but I admired how he turned it into a novel. Hinahangaan ko siya bilang manunulat.

Minsan na akong tinanong ng isang kaibigan kung ano daw ang masasabi ko sa implications ng the Da Vinci Code. Sinabi kong kung sakaling totoo yun, so what? Jesus came to earth to seek and to save those who were lost at sa tingin ko ay nagawa niya yun. Simply put, it doesn’t change anything except my previous knowledge on his civil status. The only requirement for him to be able to atone for our sins is to live a sinless life.

You may not agree with what I have said and you are free to post your comments. Baka may point ka na hindi ko din na consider. All I can say is that the Da Vinci Code is a good suspense novel ngunit ito ay isang babasahin na hindi para sa lahat.

Comments

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!