Labor Day 06
May isang thread sa eBalita na may poll question na can you live on 325 pesos daily? Ayon sa pinakahuling resulta ay mas higit ang nagsasabi na oo, kaya nila. Wala namang imposible di ba? Sa jungle survival setting, kaya nga ng taong mabuhay sa loob ng anim na araw ng hindi kumakain basta may tubig na maiinom. Ngunit ang buhay ay hindi isang jungle survival setting, or is it?
Kung ako lang sa sarili ko ay kaya ko sigurong pagkasyahin. Ngunit hindi lingid sa atin na may mga Pilipino pa rin na ang sahod ay hindi man lang umaabot sa 325 kada araw. Ang masakit pa nito ay mga pamilyado sila. Sa pamasahe, bayad sa ilaw at tubig, baon ng mga bata, at pagkain sa maghapon ay hindi na ito sasapat. Swerte mo na kung sarili mo ang inyong tirahan, e paano kung kayo ay nangungupahan lang? Wala pa dito ang ilang luho ng matatawag gaya ng telepono, internet, cable TV, at cellphone load. Huwag ka ng mangarap na makagimik.
Naiintindihan ko din naman kung bakit hindi maaring itaas ng basta basta ang minimum wage. Hindi kakayanin ng nagnenegosyo na magpasahod ng higit sa kanyang kakayahang kumita. Sa ngayon ay matuto muna tayong magtiis at magdasal. Umasa na sana ay may katapusan din ang lahat ng ito.
Mabuhay ang manggagawang Pilipino. Mabuhay ka at huwag mawalan ng pag-asa. Maligayang araw ng paggawa.

Aaminin kong hinangaan ko si ginoong Dan Brown sa tapang niyang magsulat ng mga kontrobersiyal na librong may kinalaman sa relihiyon at politika. Una kong nabasa ang “Angels and Demons” at nasabi ko sa sarili kong mababatikos ang taong ito ng Simbahang Katolika. Nang mabasa ko ang “The Da Vinci Code” nasabi kong malilintikan ang taong ito sa buong ’sang ka kristiyanuhan.
Keanna Reeves first made it to the headlines matapos niyang i-expose ang tungkol sa mga politiko na kumukuha ng mga escort girls with extra services on the side. Pinatawag pa siya sa senado during the investigation kaya siya na tag as “kilabot ng senado“. Sa pagkakatanda ko, she even denies her real age at that time for some reasons. Basa sa akin ang papel ni Keanna Reeves. Maaring totoo ang mga binulgar niya ngunit halata mong may mga bagay na nagsisinungaling siya.