Longings

March 31, 2006

I saw this rainbow habang nasa biyahe. Sa kabila ng mga masasamang bagay na nangyayari sa bansa, it is good to see a rainbow. Parang sinasabi nitong, “Cheer up dude! May pag-asa pa.

May outing ang engineering department ng aking former company at imbitado ako. Kahit medyo tinatamad ako ay pumunta na din ako. Ang sabi ko na lang sa sarili ko ay kakain ako ng madami para mabawi ang entrance na ibabayad ko. Hindi ko kasi talaga kinasiyahan ang mga swimming getaway. Lagi akong naiiwang bangko. Madami kasi akong insecurities pagdating sa katawan ko.

Mga 5:30 umalis na din ako. The outing didn’t turned out the way I expected it to be. Noong isang araw pa ako nagke-crave for Thai foods and since nasa labas na ako ng bahay, sinubukan kong maghagilap. Syef! Ang sarap talaga ng seafood fried rice.

English Proficiency

March 28, 2006

“As part of your requirement in your application as immigrant,
you have to pass the English proficiency examination.”

Dati daw ay hindi ito requirement ng Canadian immigration since they assume that Filipinos are proficient in English. Kaso may mga Pinoy daw na pagdating doon ay nahihirapan makipag-communicate since hindi sila ganoong marunong ng English. Kaya ngayon this is one of their requirement.

Kung sabagay totoo ang sinabing iyon ng consultant. My english started deteriorating when I was employed by a Japanese company.

Maraming dahilan kung bakit tila kinalawang na ang Pinoy sa salitang Ingles. Maaring dahilan dito ay ang kahirapan. Sa napakaliit na budget na inilalaan sa edukasyon ay hindi ito makasasapat upang magkaroon ng lubos na pagkatuto ang mga bata. Kulang ang mga libro, walang conducive na classrooms, mababang pasahod sa mga guro, at ang kakulangan sa kanilang bilang.

Maging ang telebisyon ay parang hindi na rin ine-encourage ang English. Halos lahat ng cartoons ngayon sa telebisyon ay dubbed na. Wala na ding mga children’s program that teaches English.

Hindi ko naman minamasama ang pagtuturo ng kulturang Pilipino ngunit sa lahat ng bagay ay nangangailangan ng balanse. Sa tingin ko nga, mas dapat na maglagay tayo ng weight sa pagtuturo ng Ingles since Filipino is our natural language. Hindi natin maikakaila na Ingles pa din ang pandaigdigang wika pagdating sa kalakalan. Ang pangulo man sa kanyang SONA ay nag-i-Ingles din.

Fearless

March 28, 2006


I had high expectations when I watched Fearless by Jet Li. Sabi din kasi noong isang kakilala ko na maganda daw ito pero medyo disappointed akong lumabas ng sinehan. Not because he died in the ending kasi namatay din naman siya sa Hero pero I was satisfied over-all.

Parang bitin kasi yung Fearless. Parang may kulang. Although commendable yung relationship that the main character shared with his friend, parang walang dating sa akin. The movie didn’t captured me emotionally.

Pero nagustuhan ko yung sinabi nya in the end. Hindi ko na lang maalala yung exact words pero it is something like: no one can choose how his life will start, but he can choose how it will end.

With that, I end my entry.

First Strike

March 25, 2006

Dalawang taon na akong nagba-blog this month. Ang dami na ding metamorphosis ang pinagdaanan ng blog ko. Ang unang intention ko was to write short self-made poems. Mga four-liner stanza lang. Kaso hindi ko kinaya. Two months lang wala na akong maisulat and so I decided to turn it into a journal.

Then due to a number of photoblogs that I have encountered, I also tried occassionally posting pictures taken from my camphone just to keep the site interesting. Bata pa lang kasi ako I have this thing with nice photos na. I adore photographers. Napadalas ang posting ko ng pics when I acquired my digicam last march of 2005. Gumawa ako ng separate na photoblog pero mga 3 months lang yata yun nagtagal. Nahirapan kasi akong mag maintain ng dalawang blog and so I decided to incorporate my photoblog with my journal blog. It was going quite well kaso dumating ako sa point na wala na akong maisulat sa buhay ko and all you can see on my site are photos.

Ngayon I’m itching to write about things and views pero hindi ko na magawa because I wanted to maintain my current blog as a photoblog. Kaya eto gumawa na naman ako ng isa pa. Tipong supplement if you want to know more about the man posting those craptured photos.