Ina
December 16, 2005
Kung ang pagkakaroon ng isang mabuting ina ay isa ng pagpapala, paano pa ang biyayaan ka ng tatlo?
Si Alice; na naglaan ng oras, panahon, hirap at pawis upang ako’y mapalaki. Nagparaya at nagtiis para sa aking ikabubuti. Hindi nawawalan ng pag-asa para sa akin. Ibigay ko man siguro sa iyo ang mundo ay hindi noon matutumbasan ang mga ginawa mo para sa akin. Ngunit alam kong hindi mo nais ang mundo dahil isa kang simpleng taong may simple ding pangarap. Ang isa sa mga nais ko sa aking buhay ay maibigay sa iyo ang iyong pangarap.
Si Cely; na hindi nagkulang ng pangaral at pagsuporta noong ako’y nag-aaral pa lamang sa mataas na paaralan. Hindi ko malilimutan ang inihanda mong pagsasalo noong ako ay nakapagtapos ng kolehiyo. Habang-buhay ko iyong itatago sa aking puso. Sayang at hindi ka na nakasama sa larawang ito.
Si Vilma; palibhasa’y huli ng nakapag-asawa kaya itinuring akong anak niya noong siya’y dalaga pa. Ngunit kahit ngayong may sarili na din siyang pamilya at mayroon ng dalawang anak ay hindi pa rin nakakalimot sa akin. Masaya akong nakasama ka sa loob ng isang buwan. Maraming salamat sa lahat. Kahapon sa iyong paglisan, muli kong naalala kung gaano ka kahalaga para sa akin.
Tatlong mga babaeng may kaniya-kaniyang marka sa buhay ko. Oo, lahat sila’y tinawag kong ina.







Popular Tags
Abroad Advisory American Idol Blackaby Blogging Budgeting Contest Creatives Dailies Events Family Financing Friends Hardware Health Insights Internet Into Deep Lifestyle Litratong Pinoy Lucado Management Movies Music Naruto News Opportunities People Pets Philippines Places Politics Products Quiz Scene Here Self Improvement Services Society Software Sports Tags Television Tips and Tricks Video Games Website