Depresyon

November 23, 2005

Mahirap kapag mabilis na nagbabago ang iyong mga nararamdaman. Kapag nasa tuktok ka ng pagiging masaya o kaya ay pananabik… Na mapapalitan ng pagkawala ng katiyakan o pangamba… Na maaring mauwi sa galit o inis.

Pagkatapos ng papalit-palit na damdamin at kinapa mo ang iyong puso.. minsan, wala ka ng nararamdaman. Matatagpuan mo ang iyong katawan na parang nanghihina at gusto ng humimlay. Ipikit ang mga mata at takasan na ng ulirat.