Lubid

March 11, 2005 · Filed Under All Entries 

Kuya,

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

Nalulungkot ako sa mga ibinalita mo nitong mga huling araw. Hindi ko alam kung bakit nagkasabay-sabay pero andyan na yan. Wala na tayong magagawa maliban sa tanggapin ito.

Sana lang ay huwag mong kasawaan. Kahit na magpa ulit-ulit pa ay wag kang panghihinaan ng loob o mawawalan ng pag-asa. Darating din ang araw na matatapos din ang lahat ng iyan. Aayos din ang lahat. Pero sana ay maging sangkot ka sa mga problema. Huwag ka lang maging tahimik na nag-aantay sa susunod na magaganap. Minsan kailangan nating makialam. Ako man ay nalulungkot. Kung may iba pa sanang paraan.

 

Oo nga’t maraming sagabal sa ating dinaraanan ngunit ng makita ko ang mga batang naglalaro sa larawan ay naisip ko na parang ganito din ang buhay. May mga lubid na inihaharang na kailangan nating malagpasan. Kung ang mga bata ay masayang inaakyat ito marahil ay maaari din nating malagpasan ang mga suliranin ng may saya sa puso. Parang mahirap pero maaari din naman na totoo.

Basta kahit anong mangyari ay gusto kong malaman mo na nandito lang ako at alam ko na bukod sa akin ay marami pang handang umalalay sa iyo sa oras na kailanganin mo ang tulong nila. Huwag mong iisipin na mag-isa ka lang. Mabuti kang tao. Maraming nagmamahal sa iyo.

Comments

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!