“Bakit kuntento na ang ibang tao sa kinalalagyan nila?”
I can still remember asking this question a few years back. I told myself that I wanted to be the best in what I am doing. Yung tipong kapag nasa panganib ang mundo at kailangang gumawa ng isang task force e ako ang kukunin nila sa field na kinabibilangan ko.
I have always wanted to make a difference, a legacy in whatever I am doing. An accomplishment that when other people see will cause them to say, “Ah si Ronnie ang may gawa niyan.”
Siguro nga I am an idealistic person and sometimes my ideals tend to eat me. Swallow me alive. Masyado nga yatang mataas ang aking mga pangarap. Mahirap maabot.
I view people similar to crayons. Each have their own distinct colors. Each will have his own time in which the artist will grab him and use him to complete a masterpiece. As of now.. I feel no masterpiece coming. I feel no artist is using me.
Now I am asking the same question again. But not pertaining to other people but addressing it towards myself.
Pakiramdam ko isa akong saranggola. Walang direksyon. Umaayon lang sa gusto ng hangin. Naisin mang pumaimbulog ay hindi maaari dahil sa tali na pumipigil sa kanya. Ayoko ng maging saranggola. Nakakalunod na ang hangin. Oo nga at angat ka sa karamihan ngunit wala namang pinatutunguhan. Dinidiktahan ng batang may hawak ng kabilang dulo ng tali. Nakakapagod. Nakakasawa na sa langit.
Sana magawa kong mapigtal ang tali. Upang magawa kong pumaimbulog ng higit sa nais ng batang paslit at paglaon ay magbagong anyo at maging isang lawin… o agila.. na siyang magtatakda ng bagay para sa kanyang sarili.