Fiscal Crisis
August 31, 2004
I haven’t watched the news lately. Medyo monotonous kasi ang buhay ko. Pag-uwi galing ng trabaho nagkukulong na sa kwarto, diretsong tulog, at pag-gising ay maghahanda na sa pagpasok.
Pero may naulinigan akong balita sa TV habang ako ay kumakain. It’s about how the government plan to solve the fiscal crisis. How? Additional or higher taxes and higher rate charges in electricity. Nakakatuwa di ba? Parang masa pareho ang papasan noon.
Ano ba naman ito sa mga mayayaman? Chicken feet lang to. Sa limpak limpak na salapi nila e ano ba naman kung ang malaking bahagi ng kita nila ay mapunta sa tax or pagbabayad ng kuryente. Ewan ko lang. I’m not so sure kasi di naman ako mayaman.
Kawawa ba ang mahihirap? Siguro. Pero nagbabayad ba sila ng tax? As in yung mga hikahos? Ewan ko. Kung legal ang kuryente nila e hagupit din ito sa kanila pero kung jumper technology ang gamit nila e may impact kaya ito sa kanila? Ewan ko lang. I’m not so sure kasi di naman ako hikahos.
Dati alam ko may nationalistic spirit ako. Hindi ko naisip magtrabaho abroad pero ngayon…
“Samakatwid, ipabatid sa lahat, mula sa pook at panahong ito sa bawat Pilipino, saanman naroroon…
You have a government — indeed, you have a country — that cares.
Your life is held more dearly than international acclaim.
And you have a president who is your friend. “
~ President Gloria Macapagal-Arroyo
State of the Nation Address (Jul. 26, 03:56pm)
Gusto Ko Ng Prize
August 26, 2004
Mag-uuwian na sa wakas. Ang oras na pinaka hihintay ko. Tagal ko na palang di nakakagawa ng entry. Almost a week na din pala.
Napanood ko a few days back yung bagong commercial ng McDonald’s.
Castaway: Gusto ko ng fries…
Then a genie showed up and gave him an i-Pod
Castaway: *umiling* gusto ko ng fries…
Ang galanteng genie ay naglabas ng nokia7610
Castaway: *iling pa rin* Gusto ko ng fries…
Si katutubong genie ay naglabas naman ng sports watchCastaway: Gusto ko ng fries…
Genie: Ano ba ang gusto mo? Ito ang mga prize sa bagong promo ng McDonald’s fries..
Castaway: Fries…
Genie: Ahh prents pries. Sorry hanggang three wishes lang..
Akalain mong kapulutan ko ng moral lesson ang commercial na ito.
Dapat katulad tayo ni Castaway. Alam natin kung ano ang gusto natin and stick with it. Kahit hainan ka ng i-Pod, cellphone, at sports watch, dapat nandoon pa rin ang focus natin. We should not let thing distracts us from what we really want to attain.
Attenuation
August 17, 2004
I came home today with a heavy heart. I had to give a brief orientation to two of our new operators to be assigned at nightshift as a material handler. One of them was a graduate of secondary education.
Naitanong ko na lang sa sarili ko kung ganoon na ba talaga kahirap maghanap ng trabaho? So hard that a secondary education graduate will accept a job that her supposed to be students are capable of doing? I had an opportunity to interview her last Thursday morning. Sabi niya sa hirap daw ng buhay ngayon e hindi na dapat mamili ng trabaho. Sa katulad daw niyang hindi lisensyado e wala siyang choice kundi tanggapin ang trabahong darating sa kanya. Gusto ko sana siyang i-correct pero I decided not to. Parang uneasy na rin kasi siya.
Si ma’am.. sinunggaban ang trabahong dumating sa kanya kahit na operator LANG (in reference to her profession) ito samantalang ngayong gabi ding ito ay kausap ko sa phone ang isang naming operator na around 18 years old siguro. Nagpapaalam na magre-resign na daw siya due to a minor misunderstanding with her co-worker. Ang hirap intindihin ng buhay.
Raindrops Ain’t Fallin On My Head
August 12, 2004
When I got out of the house this morning, the sky was clear. The sun was also shining, so I decided to leave my umbrella.
I was riding the tricycle and just a few more meters away from my destination when the rain poured and it poured down heavily. How in the world will I be able to get off with this rain? Upon reaching my destination.. the rain stopped.
*after 11 hours*
Pauwi na kaming tatlo at naglalakad papuntang sakayan. Niyaya nila ako sa SM pero tumanggi ako kasi medyo gabi na. Ako ay lumulan na sa tricycle at ng umandar na ito ay bumuhos ang malakas na ulan. Ngunit ng ako ay bababa na ay tumila na rin ito.

As Time Goes By
August 11, 2004
5:00am Woke up due to heavy rains. Akala ko kasi Villa Escudero na naman sa amin. Iaangat ko na sana ang mga gamit ko. Decided not to go to work today because it’s raining cats and dogs.
5:30am Tumigil ang ulan. Sumikat ang araw. Hindi yata papasang excuse na di ako pumasok dahil sa lakas ng ulan. Changed plans.
8:00am Inayos ko na ang mga kailangan ko para sa giyera mamayang hapon. Isinugo ko yung DCS ((Document Control Staff)) namin sa kaharian ng SM City Bacoor upang bumili ng mga lunchbox.
10:30am Pumasok ako sa Cleanroom D dahil nabalitaan kong mahirap daw i-assemble yung bagong model.
11:30am Mahirap nga.
12:00nn Text si dhey.. wala daw lunchbox na pinapabili ko. Sabi ko hanap pa siya.
12:30pm May nakita na siya sa National Bookstore.. PhP 62.50
2:00pm Dumating siya dala ang 8 lunchbox ko. Inayos ko na ito kasi in an hour e giyera na. All along ng paghahanda ko e iniistorbo ako ng boss ni Marlon
3:00pm Giyera na! Pagpunta ko sa area e nagulat ako.
Ganon pala ang itsura ng 117 na tao!! Ang dami!! “Teka Connie (my second in command), kakayanin ba natin ito?”
4:00pm Natapos na ang unang exam namin sa mga applicants. Nakakaaliw sila. Ang sarap sindakin! Simulan na ang ikalawang yugto ng screening.
4:30pm Nalaman ko ang kahulugan ng ilang mga interpretasyon ng mga psycho kapag pinapaguhit ka ng puno.. tip: Siguraduhin nyong kumpleto ang bahagi ng puno ninyo kundi… tsk tsk tsk
5:30pm Found myself repeating the practical examination instruction for the 22nd time. Pagod na ako.
6:00pm Nasa Gate3 na kami ng topakin kaming tumuhog ng kwek-kwek ((Quail egg with colored flour)) . Kaka-uta. Bili ng gulaman.
9:40pm Patapos na ako sa entry na ito.
Borgno
August 9, 2004
I woke up feeling lazy today. Parang ayokong pumasok.Kakatamad. Ang lamig kasi. Ansarap matulog. Pero I have to go to work. Nakakasawa na. Wala ng motivation.
I’m trying to find a new job. Gusto ko sana yung job na gusto ko talagang gawin. Something that I will be willing to do kahit walang sweldo… pero syempre meron dapat. Point is, something that I love doing, something in which I can make willful sacrifices. Basta…
Ano na naman kaya ang kakaharapin ko ngayong araw na ito. Kahapon may presentation yung president namin. Mayabang din pala ang loko. Nagbubuhat ng sariling bangko. Pero may karapatan naman siya. Clear and concise kasi yung presentation nya. Iba talaga mag-summarize ang mga Ponjaps. Content of his presentation is mostly graphs.. galing.
Malapit na ang mid-August. Bilis ng araw. Ilang tulog pa at September na. Sabak na sa giyera. Mamaya pupunta na naman ako sa laboratory kasi may follow-up check-up.
My Band
August 5, 2004
Among the Filipino bands, iisa lang talaga ang kinahumalingan ko ng todo... Parokya ni Edgar. Kewl na kewl kasi tong bandang to. Parang hindi seryoso sa buhay. Parang they are just there to have fun and not after for fame and fortune. Kitang kita mo pa sa kanila yung strong bonding na parang di matitinag ng kahit anong pagsubok. *keeping my fingers crossed*
Kakaiba pa music nila. Maloko. Nakakabaliw. Pero nag-evolve na din sila through the years. Favorite ko sa Bigotilyo album nila yung Choco Latte kasi ang galing ng poetry. Syempre nandon yung tatak parox na kwela pero nasa lyrics ng choco latte yung lalim… yung katotohanan…
Nga pala.. may official website na sila. So watch out as the site develops… ![]()

Mabuhay ang Parokya!!!







Popular Tags
Abroad Advisory American Idol Blackaby Blogging Budgeting Contest Creatives Dailies Events Family Financing Friends Hardware Health Insights Internet Into Deep Lifestyle Litratong Pinoy Lucado Management Movies Music Naruto News Opportunities People Pets Philippines Places Politics Products Quiz Scene Here Self Improvement Services Society Software Sports Tags Television Tips and Tricks Video Games Website