Si Puti At Ang Caravan

June 28, 2004 · Filed Under All Entries 

Nagmamadali akong umalis kanina ng bahay dahil alam kong medyo masikip na naman ang mga lansangan. Unang araw ng linggo at lahat ay humahangos na makarating sa kani-kanilang patutunguhan. Hindi nga ako nagkamali. Tsk..

Sa kabutihang palad ay nakarating ako sa unang yugto ng aking pagpasok ng ayon sa takdang oras. Lumulan agad ako sa susunod na sasakyan habang nananalangin na sana ay makisama ang pagkakataon. Ayokong mahuli ng limang ulit sa buwan na ito.

Oh my gas!! Bakit may caravan sa daan!!! Male-late na ako!! Medyo nahirapan yung tricycle na mag overtake kay puti dahil medyo double parking dun sa daanan. Kakainis! Mabuti na lang at super pinoy drayber yung nasakyan ko.

Ng kami ay nakalagpas na ay may naisip ako (eto na naman ang mga thought-provoking, mind-boggling ideas ko!):

Naalala ko noong kabataan ko. Excited akong makakita ng caravan na hila hila ng baka. Tapos tingin tingin sa mga tindang native. In na in yung mga mini table and chairs na yari sa kawayan na tanging kay puti mo lang mabibili. Pero ngayong nakita ko siya uli sa panahong ako ay nagmamadali, nakalimutan ko na yung excitement na iyon.

Anu-ano pa kayang bagay ang nakaligtaan ko ng pahalagahan sa buhay ko? Mga bagay na dinadaan-daanan ko na lang? Mga bagay na dati ay nagbibigay sa akin ng kasiyahan ngunit ngayon ay nakakaligtaan ko ng mapansin dahil sa bilis ng takbo ng buhay?

Alam ko may mga bagay na katulad na ng caravan na yun sa buhay ko. Simple things I’ve taken for granted because I’m too busy catching up with other things.

Pagdating ko sa gate 1 ng aming kumpanya ay dali dali na akong tumakbo. I swiped my ID with 4 seconds still remaining. Akala ko talaga late na ako. But i was just on time. Sayang… hindi ko gaanong na namnam si puti.

Comments

One Comment on "Si Puti At Ang Caravan"

  1. ray on Wed, 6th May 2009 10:21 AM 

    Naalala ko noong kabataan ko. Excited akong makakita ng caravan na hila hila ng baka. Tapos tingin tingin sa mga tindang native. In na in yung mga mini table and chairs na yari sa kawayan na tanging kay puti mo lang mabibili. Pero ngayong nakita ko siya uli sa panahong ako ay nagmamadali, nakalimutan ko na yung excitement na iyon.

    na aalala mba kung anu ang tawag sa kanila or sa bakang nag hihila ng caravan? hehehe one week kna kc iniisip eh khit lola ko nka limutan nrin tawag eh

    Reply

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!